Mga Talata ng Bibliya Tungkol sa Healing
Hanapin ang 50 talata ng Bibliya tungkol sa Healing upang gabayan, aliwin, at palakasin ang iyong pananampalataya.
“Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.”
3 Juan 1:2
“Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat.”
Santiago 1:1
“Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.”
Mga Awit 34:17
“At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.”
1 Pedro 5:10
“May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon:”
Santiago 5:14
“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.”
Mga Taga-Filipos 4:13
“Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,”
Mga Taga-Colosas 2:9
“Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.”
Juan 10:10
“At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo.”
Joel 2:25
“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.”
1 Pedro 2:24
“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.”
Isaias 41:10
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.”
Isaias 53:5
“Narito, ako'y magdadala ng kagalingan at kagamutan, aking gagamutin sila; at ako'y maghahayag sa kanila ng di kawasang kapayapaan at katotohanan.”
Jeremias 33:6
“Iyong pagalingin ako, Oh Panginoon, at gagaling ako; iyong iligtas ako, at maliligtas ako: sapagka't ikaw ang aking kapurihan.”
Jeremias 17:14
“Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.”
Mga Kawikaan 17:22
“O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili;”
1 Mga Taga-Corinto 6:19
“Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.”
Mga Taga-Efeso 6:13
“Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.”
1 Mga Taga-Corinto 3:17
“Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.”
Mga Kawikaan 4:20
“Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.”
Juan 14:27
“Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu.”
Mga Awit 51:12
“Kahalili ng inyong kahihiyan ay nagtatamo kayo ng ibayong karangalan; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa kanilang bahagi: kaya't sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong kasaganaan, walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila.”
Isaias 61:7
“Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.”
Juan 16:13
“Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.”
Mga Awit 107:20
“Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.”
Santiago 1:17
“At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.”
Mga Taga-Colosas 1:17
“At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.”
Mga Hebreo 11:6
“At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.”
Mateo 10:1
“Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.”
Mateo 10:8
“At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika;”
Marcos 16:17
“Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.”
Mga Awit 147:3
“Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina: iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit.”
Mga Awit 41:3
“Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.”
Mga Awit 103:2
“At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya.”
Santiago 5:15
“Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.”
Santiago 5:16
“At sinabi, Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.”
Exodo 15:26
“Sapagka't pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon; kanilang tinawag ka na tapon, na sinasabi, Ito ang Sion, na hindi hinahanap ng sinoman.”
Jeremias 30:17
“Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan:”
Mga Kawikaan 3:7
“At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; at aking aalisin ang sakit sa gitna mo.”
Exodo 23:25
“Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.”
Mga Kawikaan 16:24
“Sapagka't sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni't ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.”
1 Kay Timoteo 4:8
“Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.”
1 Mga Taga-Corinto 10:31
“At sinabi ng Dios, Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa't pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa't punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo'y magiging pagkain:”
Genesis 1:29
“At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job, nang kaniyang idalangin ang kaniyang mga kaibigan; at binigyan ng Panginoon si Job na makalawa ang higit ng dami kay sa tinatangkilik niya ng dati.”
Job 42:10
“Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon;”
Mga Gawa 3:19
“Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.”
1 Juan 5:4
“Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.”
Marcos 11:24
“Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.”
Mga Awit 29:11
“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.”
Mateo 11:28
“Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't tapat ang Dios, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.”
1 Mga Taga-Corinto 10:13

APP BLOCKING
Manalangin bago mag-scroll.
PANG-ARAW-ARAW NA KASULATAN
Mula sa 3 Kristiyanong tradisyon.
TALAARAWAN NG PANALANGIN
Mag-isip pagkatapos ng bawat panalangin.
Bumuo ng ugali sa panalangin at gumugol ng mas kaunting oras sa social media.
I-scan o i-click para i-download
Itutok ang iyong iPhone camera sa QR code.

APP BLOCKING
Manalangin bago mag-scroll.
PANG-ARAW-ARAW NA KASULATAN
Mula sa 3 Kristiyanong tradisyon.
TALAARAWAN NG PANALANGIN
Mag-isip pagkatapos ng bawat panalangin.
Bumuo ng ugali sa panalangin at gumugol ng mas kaunting oras sa social media.