Mga Panalangin Tungkol sa Karunungan
Hanapin ang 50 panalangin tungkol sa Karunungan upang gabayan, aliwin, at palakasin ang iyong pananampalataya.
Kung May Kulang sa Karunungan
Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya. Nguni't humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan: sapagka't yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.
Santiago 1:5-6 (Ang Biblia (1905))
BiblicalPanalangin ni Solomon para sa Karunungan
At ngayon, Oh Panginoon kong Dios, iyong ginawang hari ang iyong lingkod na kahalili ni David na aking ama; at ako'y isang munting bata lamang; hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok. At ang iyong lingkod ay nasa gitna ng iyong bayan na iyong pinili, isang malaking bayan na hindi mabibilang o matuturingan dahil sa karamihan. Bigyan mo nga ang iyong lingkod ng isang matalinong puso upang humatol sa iyong bayan, upang aking makilala ang mabuti at ang masama; sapagka't sino ang makahahatol dito sa iyong malaking bayan?
1 Mga Hari 3:7-9 (Ang Biblia (1905))
BiblicalPanalangin ni Daniel para sa Karunungan
Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya. At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa; Siya'y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang liwanag ay tumatahang kasama niya. Pinasasalamatan kita, at pinupuri kita, Oh ikaw na Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari.
Daniel 2:20-23 (Ang Biblia (1905))
BiblicalMagtiwala Sa Panginoon Ng Buong Puso
Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.
Mga Kawikaan 3:5-6 (Ang Biblia (1905))
BiblicalTuruan Mo Kami na Bilangin ang Aming mga Araw
Panginoon, ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali't saling lahi. Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios. Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao; at iyong sinasabi, Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao. Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan, at parang pagpupuyat sa gabi. Iyong dinadala sila na parang baha; sila'y parang pagkakatulog: sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo. Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago; sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo. Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit, at sa iyong poot ay nangabagabag kami. Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo, ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha. Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot: aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga. Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon, o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon; gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang; sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad. Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit, at ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo? Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan. Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa? At iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo. Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob; upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin. Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin, at sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan. Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod, at ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak. At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios: at iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay; Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.
Mga Awit 90:1-17 (Ang Biblia (1905))
BiblicalMapalad ang Taong
Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa.
Mga Awit 1:1-3 (Ang Biblia (1905))
BiblicalDasal para sa Espiritu ng Karunungan at Paghahayag
Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya; Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal, At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas,
Mga Taga-Efeso 1:17-19 (Ang Biblia (1905))
BiblicalPanalangin na Mapuspos ng Kaalaman sa Kanyang Kalooban
Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu, Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios; Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak; Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
Mga Taga-Colosas 1:9-12 (Ang Biblia (1905))
BiblicalPanalangin ni San Tomas Aquino Bago Mag-aral
Manlilikha ng lahat ng bagay, tunay na bukal ng liwanag at karunungan, pinagmulan ng lahat ng nilalang, sa inyong kagandahang-loob ay hayaang tumagos ang isang sinag ng Inyong liwanag sa kadiliman ng aking pag-unawa. Alisin ninyo sa akin ang dobleng kadiliman na aking kinagisnan, isang kadiliman ng kasalanan at kamangmangan. Bigyan ninyo ako ng matalas na pag-unawa, isang nakakaalagang memorya, at ang kakayahang mahawakan ang mga bagay nang tama at sa pinagbabatayan. Ipagkaloob ninyo sa akin ang talento ng pagiging tumpak sa aking mga paliwanag at ang kakayahang ipahayag ang aking sarili nang may kasipagan at kaginhawaan. Ituro ang simula, gabayan ang pag-unlad, at tumulong sa pagkakatapos. Ito ay aking hinihiling sa pamamagitan ni Hesus Kristo na aming Panginoon. Amen.
San Tomas Aquino
SantoTuruan Mo Ako ng Iyong Daan, O Panginoon
Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako; sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan. Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo. Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw. Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod; sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa. Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo. Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin; at pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing. Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo; sapagka't iyong sasagutin ako. Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Oh Panginoon; wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa. Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan. Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios. Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; lalakad ako sa iyong katotohanan: ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
Mga Awit 86:1-11 (Ang Biblia (1905))
BiblicalNawa ang mga Salita ng Aking Bibig ay Makalugod
Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.
Mga Awit 19:14 (Ang Biblia (1905))
BiblicalDakila ang mga Gawa ng Panginoon
Purihin ninyo ang Panginoon. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan. Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila, siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan. Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin: ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan. Siya'y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya: kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan. Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa, sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa. Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan: lahat niyang mga tuntunin ay tunay. Nangatatatag magpakailan-kailan man, mga yari sa katotohanan at katuwiran. Siya'y nagsugo ng katubusan sa kaniyang bayan; kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man: banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan. Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.
Mga Awit 111:1-10 (Ang Biblia (1905))
BiblicalAng Inyong Salita ay Ilawan sa Aking mga Paa
Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
Mga Awit 119:105-106 (Ang Biblia (1905))
BiblicalMay Panahon para sa Lahat ng Bagay
Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit: Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim; Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo; Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw; Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap; Panahon ng paghanap, at panahon ng pagkawala: panahon ng pagiingat, at panahon ng pagtatapon; Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; panahon ng pagtahimik, at panahon ng pagsasalita; Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan. Anong pakinabang ang tinatamo niya, na gumagawa sa kaniyang pinagpapagalan? Aking nakita ang sakit na ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao upang pagsanayan. Ginawa niya ang bawa't bagay na maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopa't hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas.
Eclesiastes 3:1-11 (Ang Biblia (1905))
BiblicalO ang Kalaliman ng Kayamanan ng Karunungan ng Diyos!
Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol niya, at hindi malirip na kaniyang mga daan! Sapagka't sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni? O sino ang nagbigay na una sa kaniya, at siya'y babayarang muli? Sapagka't kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
Mga Taga-Roma 11:33-36 (Ang Biblia (1905))
BiblicalPanalangin na ang Inyong Pagmamahal ay Umasenso
At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala; Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo; Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.
Mga Taga-Filipos 1:9-11 (Ang Biblia (1905))
BiblicalPanalangin para sa Pagliliwanag
O Panginoon, makalangit na Ama, na siyang kapuspusan ng liwanag at karunungan, liwanagin ang aming mga isip sa pamamagitan ng Inyong Banal na Espiritu, at bigyan kami ng biyayang tanggapin ang Inyong Salita nang may paggalang at pagkamapagkumbaba, na kung wala ay walang makakaunawa sa Inyong katotohanan. Para kay Cristo. Amen.
John Calvin (ika-16 siglo, public domain)
TradisyonalTradisyonal na Panalangin ng Estudyante
Panginoon ng lahat ng kaalaman at katotohanan, habang naghahanda ako para sa pagsusulit na ito, pakalmahin Ninyo ang aking nababalisang puso at linawin ang aking isip. Tulungan Ninyong maalala ko ang aking natutunan at maipahayag nang malinaw ang aking mga kaisipan. Bigyan Ninyo ako ng pokus, karunungan, at mapayapang diwa. Anuman ang kalalabasan, tulungan Ninyong magtiwala ako sa Inyong plano para sa aking buhay at malaman na ang aking halaga ay hindi sinusukat ng isang marka, kundi ng Inyong walang hanggang pagmamahal sa akin. Amen.
Tradisyonal na panalangin ng estudyante
TradisyonalAno Ang Hinihiling Ng Panginoon?
Kaniyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios.
Mikas 6:8 (Ang Biblia (1905))
BiblicalHalikat, Lumikha ng Espiritu
Halikat, Lumikha ng Espiritu, dalawin ang mga kaluluwa ng Inyong bayan. Punan ng langit na biyaya ang mga pusong nilikha Ninyo. Kayo ay tinatawag na Tagapakinabang, handog ng Diyos na Kataas-taasan, buhay na bukal, apoy, pag-ibig, at pagkakahal sa kaluluwa. Ibinibigay Ninyo ang Inyong pitong handog; Kayo ang daliri ng kanan ng Diyos. Kayo ang taimtim na pangako ng Ama, na naglalagay ng mga salita sa aming mga labi. Pagsindihan ang ilaw sa aming isipan at ibuhos ang pag-ibig sa aming mga puso. Palakasin ang kahinaan ng aming laman sa pamamagitan ng Inyong hindi bumubulay na kapangyarihan.
Veni Creator Spiritus (awiting ika-9 siglo, inangkin kay Rabanus Maurus)
TradisyonalSiyasatin Mo Ako, O Diyos
Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip: At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.
Mga Awit 139:23-24 (Ang Biblia (1905))
BiblicalKay Dakila ng Inyong Pangalan
Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit. Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti. Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa: Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang; Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat. Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
Mga Awit 8:1-9 (Ang Biblia (1905))
BiblicalPanalangin ni Solomon sa Pagtatalaga ng Templo
At kaniyang sinabi, Oh Panginoong Dios ng Israel, walang Dios na gaya mo, sa langit sa itaas, o sa lupa sa ibaba; na siyang nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, na lumalakad sa harap mo ng kanilang buong puso. Na siyang nagingat sa iyong lingkod na kay David na aking ama ng iyong ipinangako sa kaniya: oo, ikaw ay nagsalita ng iyong bibig, at ginanap mo ng iyong kamay, gaya sa araw na ito. Ngayon nga, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin, na uupo sa luklukan ng Israel, kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa harap ko na gaya ng inilakad mo sa harap ko.
1 Mga Hari 8:23-25 (Ang Biblia (1905))
BiblicalPanalangin ni San Basilio ang Dakila
O Diyos at Panginoon ng mga Hukbo, Manlilikha ng langit at lupa, tingnan Mo ang Inyong mga lingkod na nagtataas ng kamay at mata sa langit. Iligtas Mo kami sa bawat paglusob ng kaaway. Ipagkaloob Mo sa amin ang Inyong awa. Hindi kami naghahangad ng tulong sa ibang pinagmulan, kundi umasa lamang kami sa Inyo. Bantayan Mo ang aming mga kaluluwa, protektahan Mo ang aming mga buhay. Gabayan Mo ang aming mga hangarin, banalin Mo ang aming mga iniisip, at pangunahan Mo kami sa aming kasakdalan. Tulungan Mo kami sa aming kahinaan at iligtas Mo kami sa lahat ng panganib sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng biyaya, awa, at habag para sa mga ginawa Mo.
San Basilio ang Dakila (namatay 379)
SantoPanalangin ni San Tomas More
Bigyan Mo ako, mabuting Panginoon, ng pag-asam na makasama Kayo, hindi upang iwasan ang mga sakuna ng mundong ito, ni hindi gaanong para sa mga kagalakan ng langit, kundi dahil lamang sa pagmamahal sa Inyo. Bigyan Mo ako, mabuting Panginoon, ng lubos na pananampalataya, matatag na pag-asa, at masigasig na pagkakaisa, pagmamahal sa Inyo na walang katulad sa pagmamahal ko sa sarili ko. Bigyan Mo ako, mabuting Panginoon, ng tiis sa pagkakaapi at biyaya sa lahat ng bagay upang iangkop ang aking kalooban sa Inyo.
San Tomas More (namatay 1535)
SantoAng Diyos ay Lakas ng Aking Puso
Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso. Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay: ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas. Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama. Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay matatag. Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao. Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan. Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso. Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may kataasan. Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa. Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila. At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan? Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan, Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala; Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga. Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak. Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin; Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang kanilang huling wakas, Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan. Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan. Ang panaginip sa pagkagising: sa gayon, Oh Panginoon, pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan. Sapagka't ang puso ko'y namanglaw, at sa aking kalooban ay nasaktan ako: Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos; ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo. Gayon ma'y laging sumasaiyo ako: iyong inalalayan ang aking kanan. Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man. Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo. Nguni't mabuti sa akin na lumapit sa Dios; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.
Mga Awit 73:1-28 (Ang Biblia (1905))
BiblicalAng Babaeng Mabuting Ugali
Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi. Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay. Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay. Siya'y parang mga sasakyang dagat ng kalakal; nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo. Siya'y bumabangon naman samantalang gabi pa, at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan, at ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae. Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili: sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan. Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan, at nagpapalakas ng kaniyang mga bisig. Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang: ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi. Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid, at ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi. Iginagawad niya ang kaniyang kamay sa dukha: Oo, iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan. Hindi niya ikinatatakot ang kaniyang sangbahayan sa niebe; sapagka't ang boo niyang sangbahayan ay nakapanamit ng mapulang mapula. Gumagawa siya sa ganang kaniya ng mga unang may burda; ang kaniyang pananamit ay mainam na kayong lino at ng kayong kulay ube. Ang kaniyang asawa ay kilala sa mga pintuang-bayan, pagka siya'y nauupo sa kasamahan ng mga matanda ng lupain. Gumagawa siya ng mga kasuutang kayong lino at ipinagbibili; at nagbibigay ng mga pamigkis sa mga mangangalakal. Kalakasan at kamahalan ay siyang kaniyang suot. At kaniyang tinatawanan ang panahong darating. Binubuka niya ang kaniyang bibig na may karunungan; at ang kautusan ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang dila. Kaniyang tinitignang mabuti ang mga lakad ng kaniyang sangbahayan, at hindi kumakain ng tinapay ng katamaran. Nagsisibangon ang kaniyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad; gayon din ang kaniyang asawa, at pinupuri siya niya, na sinasabi: Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan, nguni't ikaw, ay humihigit sa kanilang lahat. Ang lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan: nguni't ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya'y pupurihin.
Mga Kawikaan 31:10-30 (Ang Biblia (1905))
BiblicalMagsalita Ka, Panginoon, Nakikinig ang Inyong Lingkod
At ang Panginoon ay naparoon, at tumayo, at tumawag na gaya ng una, Samuel, Samuel. Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, Magsalita ka; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod.
1 Samuel 3:10 (Ang Biblia (1905))
BiblicalPanalangin ni San Gregorio Nazianzeno
O Panginoon at Tagapamahala ng aking buhay, huwag akong bigyan ng espiritu ng katamaran, pagkakaintriga, pagmamahal sa kapangyarihan, at walang-kwentang pagsasalita. Ngunit ipagkaloob sa akin, Inyong lingkod, ang espiritu ng katimlayan, pagpapakumbaba, pasensya, at pag-ibig. O Panginoon at Hari, ipagkaloob sa akin ang biyayang makita ang aking mga kasalanan at huwag hatulan ang aking kapwa. Sapagkat pagkakabasbas Kayo sa mga panahon ng mga panahon. Amen.
San Gregorio Nazianzeno (namatay 390)
SantoPanalangin ni San Nicolas ng Flüe
Panginoon ko at Diyos ko, alisin Mo sa akin ang lahat ng naglalayo sa akin sa Iyo. Panginoon ko at Diyos ko, ibigay Mo sa akin ang lahat ng naglalapit sa akin sa Iyo. Panginoon ko at Diyos ko, hiwalay Mo ako sa aking sarili upang ibigay ko ang lahat sa Iyo.
San Nicolas ng Flüe (namatay 1487, patron na banal ng Switzerland)
SantoIturo Mo sa Akin ang Inyong mga Daan, O Panginoon
Sa iyo, Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa. Oh Dios ko sa iyo'y tumiwala ako, huwag nawa akong mapahiya; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway. Oo, walang naghihintay sa iyo na mapapahiya; sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan, Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw. Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; sapagka't magpakailan man mula ng una. Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: ayon sa iyong kagandahang-loob ay alalahanin mo ako, dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.
Mga Awit 25:1-7 (Ang Biblia (1905))
BiblicalNapakadami ng Inyong mga Gawa, O Panginoon!
Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan. Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing: Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin: Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy: Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man, Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok. Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila; Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila. Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan; upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa. Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis; nagsisiagos sa gitna ng mga bundok: Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang; nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno. Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid, sila'y nagsisiawit sa mga sanga. Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid: ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa. Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao: upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa: At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao. Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog; ang mga sedro sa Libano, na kaniyang itinanim; Na pinamumugaran ng mga ibon: tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay. Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing; ang mga malalaking bato ay kanlungan ng mga coneho. Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog. Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi; na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat. Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila, at hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain. Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis, at nangahihiga sa kanilang mga yungib. Lumalabas ang tao sa kaniyang gawain, at sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan. Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat: ang lupa ay puno ng iyong kayamanan. Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang, na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay, ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman. Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan: nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon. Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo, upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan. Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila; iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan. Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok. Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa. Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man; magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa: Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig: kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok. Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay: ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan.
Mga Awit 104:1-33 (Ang Biblia (1905))
BiblicalTuruan Ninyo Ako na Gawin ang Inyong Kalooban
Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik: sa iyong pagtatapat ay sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran. At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod; sapagka't sa iyong paningin ay walang taong may buhay na aariing ganap. Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko; kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa: kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon. Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko; ang puso ko sa loob ko ay bagbag. Aking naaalaala ang mga araw ng una; aking ginugunita ang lahat mong mga gawa: aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay. Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo: ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah) Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay: huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay. Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan; sapagka't sa iyo ako tumitiwala: ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran; sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo. Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway: tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako. Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban; sapagka't ikaw ay aking Dios: ang iyong Espiritu ay mabuti; patnubayan mo ako sa lupain ng katuwiran.
Mga Awit 143:1-10 (Ang Biblia (1905))
BiblicalIhandog Ninyo ang Inyong mga Katawan bilang Buhay na Handog
Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba. At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
Mga Taga-Roma 12:1-2 (Ang Biblia (1905))
BiblicalPanalangin ni San Clemente ng Roma
Nakikiusap kami sa Inyo, Panginoon, na tulungan at ipagtanggol ninyo kami. Iligtas Mo ang mga napipi, kahabagan Mo ang mga walang halaga, iangat Mo ang mga nahulog, ipakita Mo ang Inyong sarili sa mga nangangailangan, pagalingin Mo ang mga may sakit, ibalik Mo ang mga taong Ninyo na naliligaw. Pakainin Mo ang mga nagugutom, palakasin Mo ang mga mahina, tanggalin Mo ang mga tanikala ng mga bilanggo. Nawa'y makilala ng bawat bansa na Kayo lamang ang Diyos, na si Hesukristo ay Inyong anak, na kami ay Inyong bayan, ang mga tupa ng Inyong pastulan. Amen.
San Clemente ng Roma (namatay ~100 AD)
SantoPanalangin ni San Ricardo ng Chichester
Salamat sa Iyo, Panginoong Hesus Ko, sa lahat ng biyayang ibinigay Mo sa akin, sa lahat ng pasakit at alipusta na tiniis Mo para sa akin. O pinakamakaawaing Manunubos, Kaibigan, at Kapatid, nawa'y makilala Kita nang mas malinaw, mahalin Kita nang mas tapat, at sundin Kita nang mas malapit, araw-araw. Amen.
San Ricardo ng Chichester (namatay noong 1253)
SantoPanalangin ni San Anselmo
Panginoon, hindi ko hinahangad na maunawaan upang ako'y maniwala, ngunit naniniwala ako upang ako'y makaunawa. Sapagkat naniniwala rin ako dito: na kung hindi ako maniwala, hindi ako makakaunawa. Hindi ko hinahangad na maunawaan ang Iyong misteryo, sapagkat hindi ito makakayanan ng aking isip. Ngunit nais kong maunawaan sa ilang pamamaraan ang Iyong katotohanan, na pinaniniwalaan at iniibig na ng aking puso. Hindi ko hinahangad na maunawaan upang ako'y maniwala, ngunit naniniwala ako upang ako'y makaunawa.
San Anselmo ng Canterbury, Proslogion (namatay 1109)
SantoPanalangin ni Meister Eckhart
Ang Diyos ay nasa tahanan. Tayo ang naglakad-lakad. Kung ang tanging panalangin na sinabi Mo sa buong buhay Mo ay 'salamat,' iyon ay sapat na. Ang panlabas na gawa ay hindi kailanman maging maliit kung ang panloob na gawa ay dakila. At ang panlabas na gawa ay hindi kailanman magiging dakila kung ang panloob na gawa ay maliit.
Meister Eckhart (namatay humigit-kumulang 1328)
SantoPanalangin para sa Tapat na Pangangalaga
Panginoon ng lahat ng mabubuting kaloob, Kayo ang pinagmumulan ng lahat ng aking mga tinatamasa. Turuan Ninyo akong maging tapat na tagapag-alaga ng mga yaman na Inyong ipinagkatiwala sa akin. Bigyan Ninyo ako ng karunungan sa paggastos, kagandahang-loob sa pagbibigay, at kasiyahan sa lahat ng kalagayan. Tulungan Ninyo akong magtiwala na kayo ay magbibigay ng aking mga pangangailangan, at palayain Ninyo ako sa pagkabalisa na dulot ng paglalagay ng aking seguridad sa kayamanan kaysa sa Inyo. Hayaan Ninyong hawakan ko nang maluwag ang mga yaman sa lupa at mag-ipon ng mga yaman sa langit.
Tradisyonal na panalangin para sa pangangalaga
TradisyonalSa Inyo ang Bukal ng Buhay
Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit. Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios: ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman: Oh Panginoon, iyong iniingatan ang tao at hayop. Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak. Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng iyong bahay; at iyong paiinumin sila sa ilog ng iyong kaluguran. Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay: sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag.
Mga Awit 36:5-9 (Ang Biblia (1905))
BiblicalMaglagay Po Kayo ng Bantay sa Aking Bibig
Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: magmadali ka sa akin: pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo. Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo; ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan. Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig; ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi. Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay, na gumawa sa mga gawa ng kasamaan na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan: at huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain. Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob; at sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo; huwag tanggihan ng aking ulo: sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko. Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato; at kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis. Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa, gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol. Sapagka't ang mga mata ko'y nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon: sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
Mga Awit 141:1-8 (Ang Biblia (1905))
BiblicalHuwag Magtiwala sa mga Prinsipe
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Samantalang ako'y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon: ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay. Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo. Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip. Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios: Na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat na nandoon; na nagiingat ng katotohanan magpakailan man: Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati; na nagbibigay ng pagkain sa gutom: pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
Mga Awit 146:1-7 (Ang Biblia (1905))
BiblicalPanalangin para sa Pananampalataya
Ama sa Langit! Huwag mong itindig ang aming mga kasalanan laban sa amin kundi itindig mo kami laban sa aming mga kasalanan, upang ang kaisipan tungkol sa Iyo kapag gumising sa aming kaluluwa, at tuwing gumising, ay hindi kami maaalala sa kung ano ang aming nagawa kundi sa kung ano ang Inyong pinatawad, hindi sa kung paano kami naligaw kundi sa kung paano Ninyo kami iniligtas.
Søren Kierkegaard (namatay 1855, pampublikong domain)
SantoPanalangin ng Kapayapaan ng Loob
Diyos, ipagkaloob Mo sa akin ang kapayapaan ng loob upang tanggapin ang mga bagay na hindi ko mababago, ang lakas ng loob upang baguhin ang mga bagay na aking mababago, at ang karunungan upang malaman ang pagkakaiba.
Reinhold Niebuhr (pampublikong karapatan)
TradisyonalPangatawiran Mo Ako, O Panginoon
Iyong hatulan ako Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad sa aking pagtatapat: ako naman ay tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay. Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako; subukin mo ang aking puso at ang aking isip. Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata: at ako'y lumakad sa iyong katotohanan. Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao; ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari. Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan, at hindi ako uupo na kaumpok ng masama. Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala; sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon: Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat, at maisaysay ang lahat na iyong kagilagilalas na gawa. Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay, at ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
Mga Awit 26:1-8 (Ang Biblia (1905))
BiblicalMagtiwala sa Panginoon at Gumawa ng Mabuti
Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. Sapagka't sila'y madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo. Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat. Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso. Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin. At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran, at ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat. Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya: huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
Mga Awit 37:1-7 (Ang Biblia (1905))
BiblicalHanapin ang Panginoon Habang Matatagpuan
Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit: Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't siya'y magpapatawad ng sagana. Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.
Isaias 55:6-9 (Ang Biblia (1905))
BiblicalBanal, Banal, Banal ang Panginoon ng mga Hukbo
At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.
Isaias 6:3 (Ang Biblia (1905))
BiblicalAng Pinakadakilang Utos
At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
Mateo 22:37-40 (Ang Biblia (1905))
BiblicalMga Kakampi sa Banal na Kalikasan
Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan; Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.
2 Pedro 1:3-4 (Ang Biblia (1905))
Biblical
APP BLOCKING
Manalangin bago mag-scroll.
PANG-ARAW-ARAW NA KASULATAN
Mula sa 3 Kristiyanong tradisyon.
TALAARAWAN NG PANALANGIN
Mag-isip pagkatapos ng bawat panalangin.
Bumuo ng ugali sa panalangin at gumugol ng mas kaunting oras sa social media.
I-scan o i-click para i-download
Itutok ang iyong iPhone camera sa QR code.

APP BLOCKING
Manalangin bago mag-scroll.
PANG-ARAW-ARAW NA KASULATAN
Mula sa 3 Kristiyanong tradisyon.
TALAARAWAN NG PANALANGIN
Mag-isip pagkatapos ng bawat panalangin.
Bumuo ng ugali sa panalangin at gumugol ng mas kaunting oras sa social media.